Thursday, January 18, 2007

scrapbook: filipino101 2005

NOONG FIRST YEAR COLLEGE AKO, PINAPASA KAMI NG FILIPINO
TEACHER NAMIN NG SCRAPBOOK...
AT ETO NA NGA ANG NA COME-UP KONG MGA ARTICLES...
MARAMI NGA LANG ANG NGABAGO...
NAKIKITA KONG MARAMI AKONG INIBA SA BUHAY KO...

NYAKZ....


Sino ba si AKO?

Pangalan: John Martin Damasco
Palayaw: Martz
Tirahan: Kalye ng Rizal,Pob. West, Oton, Iloilo
Edad: 16 taong gulang
Kaarawan: ika-19 ng Setyembre, 1988
Zodiac sign: Virgo
Lugar ng Kapanganakan: Sa bahay lang!
Taas: 5'5
Timbang: 50 kilos
Kulay ng Buhok: Itim
Kulay ng Mata: Itim
Shoe Size: 10'
Pants Size: 28'
T-shirt Size: Medium
Pisikal na Diskripsyun: Payat, katamtaman ang taas,
maraming tagyawat, magalaw at napaka-ingay!


Sino ba si Ako?
(ang PERSONAL version)

Hilig: Manood ng T.V., magbasa ng Libro,
magbisekleta, makipagkwentuhan,
mamasyal at tumawa!

Paboritong...
Kulay: Asul, Itim at Puti
Libro: 7 Japanese Tales, The Little Prince
Pagkain: Lahat ng hinahanda tuwing Fiesta
Inumin: Iced Tea at Tubig
Kanta: One Friend at Liwanag sa Dilim
Singer: Rivermaya at Pink
Pelikula: Blairwitch Project, The Matrix
at Ang Tanging Ina
Alagang Hayop:Aso, isda at ibon pero sa
ngayon wala muna kasi madaling mamatay.
Isports: Badminton, piko at tumbang
preso
Sasakyan: Bisekleta ko ulit!
Motto: Life is what you make it!

Kwentong Buhay

Lumaki ako sa isang malaking pamilya.
Tatlo lang kaming magkakapatid at sa panahong
tinutukoy ko ay nag-iisa palang ako.
Malaki dahil sa isang bubong apt na pamilya ang nakatira.
Sila yung mga pamilya ng mga kapatid ng tatay ko.
Doon ko napatunayan na hindi totoo na magulo at
maingay ang isang malaking pamilya, kung hindi,
sobrang gulo at napaka-ingay! Pero bawi naman ito ng saya
ng magpipinsang naninirahan lang sa iisang bahay.
Lumipat nalang kami ng bahay kasama ang nanay ng nanay
ko noong ipinanganak na ang sumunod kong kapatid at
nang tumuntong na ako sa paaralan. Ngayon, kolehiyo na ako,
Grade six naman ang sumunod sa akin
at Kinder naman ang bunso sa amin.


AB NKKBS N PL Ako!

Nagsimula akong mag-aral sa edad na anim. Kinder 2 na kaagad ako
sa unang pagpasok ko palang sa paaralan. Hatid sundo pa ako ni nanay
noon dahil natatakot siyang baka muntikan na naman ako mabundol ng
mag sasakyan!
Kung itatanong nyo kung anu-ano ang mga natutunan
ko noong kinder ako, marami akong maisasagot sa inyo.
Maliban sa mga nursery rhymes at children songs,
mga kabutihang asal tulad ng tamang pagtapon ng basura dahil
bawat piraso nito'y nagkakahalaga ng piso kung nasa ilalim ng desk mo
at ang pagiging tahimik dahil ang mga batang maiingay ay binibitin
gamit ang tenga at hinuhubaran ng shorts sa harap ng klase.
Hindi ko talaga malilimutan ang mga panahong iyon. At doon ako
unang nagkaroon ng isang mabuting kaibigan.


Bakit Mababang Paaralan,
Mataas Naman Ha?

Nagtapos ako ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Oton.
Dito ko naranasan ang buhay ng batang malay!
O sa tingin ko lang kayang malaya ako?
Lahat na siguro ng kawalangya-an nagawa ko na dito.
Ang paliligo sa ulan para walang pasok, ang pagsuot ng pambahay,
paglagay ng maliit na alimango sa aquarium at pag-akyat ng pader
dahil mas mura ang paninda sa labas.
Pero may isang bagay na talagang nakatatak sa pangalan ko.
Hindi mawawala, isa sa apat na grading bawat taon,
ang mga katagang "he is very talkative" sa report card ko.
Dahil nga dito isinubo sa akin ng titser ko noong Grade I ang
isang mapulang sili, reward ko raw sabi niya.
Hay, buhay bata nga naman talaga.
Pero aminin natin, masaya talaga ang buhay bata di ba?!


Di Pangkaraniwang Buhay Haiskul


Hindi tipikal ang buhay haiskul ko.
Kung sa iba ang kwento nila tungkol sa pagiging pakawala
sa akin naman tungkol sa pagkawala.
Suwerteng nakapasok kasi ako sa Special Science Class
ng Oton Nat'l. High School, para itong mini-U.P.
sa loob ng isang public highshool.
Sila yung mga tipo ng tao na palaging binabantayan.
Ewan ko nga, siguro naninibago lang sila dahil pang-apat
palang na batch kami.
Kung sa mga bulag, sila yung mga estudyanteng matatalino,
walang pagod mag-aral at mga pambato ng paaralan.
Alas sais mo sila sa umaga unang makikita, tapos na ang tanghali
kung sila'y mananghalian at gabi na kung sila'y umuwi.
Minsan kahit Sabado hindi nila ito pinapalampas,
diyan parin sila sa paaralan.
Minsan nga tawag sa kanila mga school mountaineers dahil sa laki
at bigat ng bitbit nilang bag na para bang camping trip nila araw-araw.
Hay, kung sana nakakakita lang ang mga nagsasabi nito.
Isa nga pala ako sa kanila pero
isa rin ako sa mga counterpart ng mga deskripsyong ito.
Umiba lang kami sa uniform, may tinatawag kaming pasakit na electives
na subjects at may pinapasang Research Paper sa graduation, ni isa
wala namang nakakaintindi. Sabi nga ng iba kapag pinepresent na raw,
para kaming dumadasal ng orasyon, palibhasa puro scientific names kasi.
Pero worth naman ito lahat dahil aplikado na ito ngayong kolehiyo.

Silang Espesyal...

Marahil, haiskul na ang pinkamahalagang parte ng nakalipas ko.
Kahit na grabe ang pressure doon.
Dahil sa haiskul ko nakilala ang tatlumpo't
isang espesyal na mga tao para sa akin.
Sa loob ng apat na taon, sabay naming nilampasan ang lahat ng pasakit,
mga demanding na mga guro at ang mataas na expectations ng nakararami sa amin.
Sa loob ng apat na taon, sila ang mga karamay ko sa lahat ng mga problema,
katuwang ko sa oras ng kagipitan at kasabay kong sumaya.
Iba't iband landas na ang aming tinahak pero hndi parin kami nagkakalimutan.
Bawat Biyernes nang hapon ay inilalaan namin sa bawat isa.
Hindi ko lang sila mga kaklase o kaibigan, sila'y mga kapatid ko.
Hindi ko sila makakalimutan.

Ngayon

At heto na ang kolehiyo, ang pinakamarumal-dumal na parte ng buhay ko.
Mga pangyayaring hindi ko talaga inaasahan.
Kung bakit?
Balikan natin ang simula...
Summer na noon,
excited kaming lahat mag kolehiyo sa mga napili naming institusyun.
Napasa ko na ang lahat ng credentials.
Kampante ako sa maaga kong pagpasa ng lahat ng mga papeles,
orientation nalang nga ang hinihintay ko.
Ngunit isang araw, sinabihan nalang ako na lumipat ng ibang paaralan
at kukuha ako ng Nursing.
Hindi na ako makasalita, kumuha ako ng exam sa araw na sana orientation na namin.
Naluluha ako habang nakikita ko ang mga papasok na freshman
para sa orientation ng sana'y skul ko
habang ako papunta sa SanAg para sa entrance palang.
Naging headline ako ng tsismis ng mga kaklase ko.
At heto ako ngayon,irregular sa unang pagtapak ko palang sa kolehiyo.
Hay, iba na talaga ang nagagawa ng ABROAD.

Kung Ako'y Graduate Na...

Pagkatapos ng pagkatapos ko ng kolehiyo at kapag pasado ko na ang
mga board exams na dapat kung kunin, hahanap kaagad ako ng trabaho.
Sisikapin kong magkaroon ng magandang kinabukasan.
Iipon ako ng pera para sa pagpapa-aral sa kapatid
kong magkokolehiyo narin sa panahong iyon.
Iipon rin ako para sa aking sarili.
At kapag sapat na ang ipon ko, mag-aaral ulit ako.
Sa ganung panahon, kukuha ako ng Business Management,
ang kursong pinili ko sana kaso naudlot
at nasapawan ng "pangarap kong abroad" ng aking mga magulang.
At ang huli kong plano ay ang pagpapatayo ko ng bahay para sa aking mga magulang.
Ang mga susunod pa ay iaasa ko nalang sa pagdaan ng panahon.

No comments: