ANG ALAMAT NG GUAVA JAM
Martuz Reklamadoruz
Martuz Reklamadoruz
Ilang beses na ba tayo nalinawan patungkol sa mga di-maiintindihang bagay-bagay sa University? Ilang ulit ka na bang nagalit sa di mabigyang aksyong problema dito sapagkat sa kaklase mo lang ibinubulalas ang lahat ng reklamo mo? Ilang beses ka na bang pumasok sa “office” para i-exercise ang sinasabing student’s rights mo? Ilang beses ka na bang lumuha dahil hindi mo magamit ang comfort room kahit ihing-ihi ka na?
Hindi ako writer at lalong wala akong kakayahang makipagdebate sa kung ano ang tama sa kalawakan ng planetang Journalism. Naisip ko lang na ano kaya ang pakiramdam kung inilimbag ang isang article sa departmental paper na ang author ay…AKO? At ito ang theme ng debut article ko (kung makapasa sa mapanuring staff ng departmental paper): ang ireklamo ang pwedeng ireklamo, ang hingan ng linaw ang lahat ng ng hindi malinaw at itanong ang posibleng katanungan sa final exam sa Moral Theology. At dito ko sisimulan ang kapahamakan ko:
a) Enrolment Era- isa tayo sa may pinakamababang population dito sa school, pero bakit tuwing enrolment ang tagal ng proseso? Aabutin ka pa ng ilang Jurassic years sa pagpila sa Appraisal. Makacarbon-dating na ang Enrolment Form mo sa tagal ng pila sa Encoding. At idagdag mo pa ang mala-registration sa COMELEC na payments sa Admin at ghost hunting sa adviser para sa clearance.
Result: Varicose veins formation with 20 new information galing sa correspondent ng Tsismis101 na katabi mo sa pila.
b) Historical Artifacts: Toilet Bowls- Since sa UH hanggang sa Alumni, highest grossing na siguro kung may presyo lang ang bawat reklamo sa nadudugyot na CR. Kung hindi nagka-lunar eclipse, hindi sana nalinis ang mga toilet bowls na possible nang gawing source ng primary culture ng mga mikrobyo. Tears of joy ang naramdaman namin nang madiskubreng nalinis na ang mga CR. Wala na ang lumulutang na chewing gum na nabatok sa manilaw-nilaw na karagatan na naging saksi sa pambababoy sa sagradong palikuran. Wala na rin ang mga mucous of different varieties na disenteng nakadikit sa dehydrated na lavatory. Ngunit tulad ng lunar eclipse, lumilipas lang ito. Maghintay nalang tayo ng leap year baka permanente ng magka-supply ng tubig.
c) Mga hindi Ma-gets na Minor Subjects- ano ba ang kinalaman ng ibang minor-subjects sa kurso natin? Bakit merong Algebra na dapat ipasa? Para ma-equate natin gamit ang perfect square trinomial kung ilan ang normal (x)pus cells meron sa (-2y)urine sample kung ang pasyente ay nangangalapa sa formula na x2+2xy+y2=DRP at retake during summer? Bakit may Logic pa? siguro para maintindihan natin na isang unsound statement ang may mga premises na:
Theology is a difficult subject.
Major subjects are difficult.
Therefore, Theology is a major subject.-bilang conclusion.
At bakit may Philosophy of Man pa na nakakanosebleed sa pagbasa ng Becoming a Human Person? Hindi dahil natatamaan ang mga asal hayop, kung hindi, dahil kasing liit ng bibliya ang font size at kasing kapal ng El Filibusterismo ang dapat matapos. Ang masama pa, natapos mo man basahin ang buong libro, isang excerpt lang mula sa libro ni Bob Ong ang tangi mong naintindihan at nakarelate ka bilang tunay na Human Person.
Kung tutuusin, mahigit isang libong piso ang ginagastos natin sa bawat subjects na ito- katumbas na ito ng ilang kilong parte ng katawan ni Esmeralda ( ang kaawa-awang baboy) na sampu ng kaniyang kauri ay kinakatay tuwing enrolment. Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa.
d) Kalawang Blues- isa sa pinakahighlight ng mga laboratory classes ay ang Returning of Apparatus. Bakit? Dito mo aktwal na maiintindihan ang nagaganap na chemical change sa nangangalawang na iron stand. Pagkatapos ng isang semester na pangangalapa sa laboratory, isang elimination round ang magaganap. Haharap sa iyo ang mapanuring mga mata ng staffs sa stock room sa paghuhukom kung pasok o hindi ang mga apparatus niyo. Mabibigyan mo na ng hustisya ang motto na “try and try until you succeed” habang hirap ka sa pagkuskos ng petroleum jelly sabay calculate kung kulang ba ang binayad mong Laboratory fee noong enrolment para parusahan ka ng ganito.
e) Ventilation, ano pa ba ang bago dito?- naaapreciate ko na ang silbi ng photocopied handouts sa tuwing tag-init. Walang electric fan sa Alumni at sa Aguirre meron nga, pero mas malakas pa ang hininga ko kaysa buga ng hangin ng asthmatic na ceiling fan doon. Solar eclipse siguro ang dapat nating hintayin para magkaroon na ng totoong electric fan na nagbubuga ng totoong hangin dahil totoong nakakainsulto ito sa may mga bitbit na guava jam sa klase.
f) USA Gym- isang ‘dream come true’ na siguro maituturing kung nag P.E. tayo sa loob ng Gym, ano? Pagpasok mo pa lang, dinig mo na ang sabi ng kaklase mo na “Wow Pare, hanep sa kintab ng sahig. Uy grabe, transparent ang ring. Digital pa ang board!” Maluha-luha mong iso-shoot ang bola at mangiyak-ngiyak mong gagawin ang first free-throw mo. At bigla ka nalang magigising sa isang panaginip na kaylan may mananatiling reklamo ng bawat Andres Bonifacio. Bakit hindi tayo pwedeng gumamit ng mga facility na kung tutuusin galing sa bulsa natin ang ginastos sa mga bagong benches, pintura, flooring at anti-anay treatment. Ang masaklap pa, bakit ang iba nagbabayad para makagamit ng gym, e tayo naman ang mga estudyante dito ha? Mamumulaklak muna ang kawayan bago tayo di na mapagkakaitan ng mga bagay na tunay naman talagang para sa atin.
Ilan lang ito sa napa-exaggerate na problemang naging pulutan na sa bawat usapin. Hindi pa natin napag-usapan ang tungkol sa sa pasok kahit na may baha, sa pre-judging round sa harap ng mga guards para malaman kung in or out ang Havianas mo, sa gabundok na requirements na hindi na kakasya sa class record, at kung bakit naging garapata ang metaphor para kay Teri Hatcher. Marahil may mga hindi pabor o may mga batikos na maaaring ibato sa sulating ito. Pero mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga detalyeng totoo ba o hindi, pansinin ba o dedma, natamaan ka o wala at kung ikaw ba ang nangangamoy guava jam para hindi na humantong sa pagpupunit ng sedula ng mga nagpupunyaging kapatiran ng KKK (Kataastaasan Kagalanggalangan Kapilyuhan ng mga Anak ni Bob Marley).
Paalaala: ang lahat ng nakasulat bago ang salitang ‘Paalaala’ ay walang katotohanan, pawang tsismis lamang. Ang sumulat ay hindi kailangang ipatawag at patawan ng mahabahabang homily sa Guidance Office. Maraming salamat.
No comments:
Post a Comment